Buod ng kabanata 26-29

Kabanata 26- Ikakasal ka nga ba?

Iniwan muna ni Don Juan si Maria sa isang bayan na medyo malapit sa Berbanya para ihanda raw muna ng prinsipe ang kaharian upang salubungin si Maria. Sinabi ni Maria hindi na kinakailangan pero pinilit pa rin ni Don Juan dahil nakakahiya naman daw na dadating sila doon at hindi mahahandugan si Maria  ng magandang pagtatanggap. Pinangako ni Don Juan na babalikan niya si Maria. Hiningi ni Maria na ipangako ni Don Juan na hindi niya siya kakalimutan doon at hindi makikipag usap sa ibang babae. Pagdating ni Don Juan sa Palasyo ay sinalubong siya ng lahat, lalo na si Leonora. Dahil dito ay inamin ni Leonora at sinabing si Don Juan talaga ang rason ng paghihintay niya at taksil ang kapatid. Sinabi ng hari na ikasal agad sa Linggo si Leonora at Don Juan. Sinabi naman ay naghihintay doon sa bayan. Tatlong awar hindi bumalik si Don Juan kaya naisip ni Maria na siguradong kinalimutan na siya ng prinsipe. Nagbalak maghiganti si Maria

Tayutay– Saknong 1396- Ang hiling ko pag nilabag, asahan mong nawakawak, ang dangal ko’t yaring palad, sa basahan matutulad

Ito ay isang pagwawangis at pagsasatao kasi inihahambing ang dangal sa palad. Sa saknong nito, sinabi ni Maria kay Don Juan na kapag makalimutan siya nito at makipagusap sa babae ay mababalewala ang dangal niya at masisira ang lob.

Ibong Adarna asks

1. Bakit iniwan muna ni Don Juan si Maria sa isang lugar?

2. Ano ang binilin ni Maria kay Don Juan?

3.Ano ang ginawa ni Leonora pagdating ni Don Juan?

Kabanata 27- Bakas ng Nalimot na lumipas

Ginamit ni Maria ang mahika niya at nagbihis Emperatris. Dumating ito sa araw ng kasal sa nakasakay sa isang karosang sobrang ganda. Huamanga ang lahat at tinigil sandali ng hari ang kasal upang tanggapin ang bisita. Sinabi ni Maria na gusto niyang maghandog sana ng palabas ng ikasasaya pa lalo ng mga tao at para na rin sa dalawang ikakasal. Pumayag ang hari at naglabas si Maria ng isang praskong may nilalaman na tubig at dalawang ita. Nagkaroon ng musika at lumabas ang isang negrito at negrita. Ang negrito ay nagpanggap na si Don Juan at ang negrita naman ay si Maria, na may  hawak na pamalo. Nagsalaysay ang negrita ng mga pinagdaanan nila ni Don Juan at bawat tanong ng negrita sa negrito tungkol sa kung naaalala niya ito ay sumasagot lang ang negrito na hindi niya ito maalala. Bawat sagot niya ng ganito ay pinapalo siya ng negrita, pero ang nakakaramdam ng sakit ay si Don Juang panaw titig at pansin lang kay Leonora. Tuwing mapapa-aray siya sa sakit , ay lalakasan lang ni Maria ang musika at paeengganuhin ang pagsasayaw upang di mapansin ng mga tao. Pero kahit nasasaktan si Don Juan at kahit pinalabas ng mga ita ang lahat ng pinaghirapan ni Maria para kay Don Juan, hindi pa rin niya maalala ang prinsesa. Natapos ang palabas at nawala ang negrito at negrita, pati ang musika at naiwan lang ang praskong may laman na tubig.

Tayutay- Saknong 1573- Palabas ay natapos na, bulang natunaw sa mata, ang negrito at negrita, nangawalang aywan nila.

Ito ay isang pagwawangis dahil tinatulad ang palabas sa bula. Sa saknong nito, natapos ang biglaan ang palabas at nawala ang mga ita. Ikumpara ang pagtatapos at kanilang paglaho sa isang bula na hindi dahan-dahang naglalaho.

Ibong Adarna asks

1.Paano dumalo sa kasal si Donya Maria?

2. Ano ang ginawa ni Donya Maria para sa mga tao sa kasal?

3. Ano ang naging reaksyon ni Don Juan?

Kabanta 28- Nagbalik na alaala ng pag-ibig

Nainis na si Donya Maria dahil sa di pag- alala ni Don Juan at kinausap na ito nang deretsahan. Sinabi niyang kung hindi siya maalala ni Don Juan ay babasagin na ang prasko at manganganib ang buong reyno. Naalala bigla ni Don Juan si Maria na kanyang mahal at kanyang iniwan sa isang nayon. Sinabi niya agad sa hari na kay Maria isya pakakasal pagkataops niyang huminig ng tawad dito sa pangangatwirang nadala daw wiya sa kasiyahan ng Berbanya sa kanyang pagbabalik. Nagsalita agad si Leonora at sinabi ang lahat ng kanyang ginawa para kay Don Juan at lahat ng kanilang pinagdaanan noon. Dahil dito ay mag desisyon ang hari na ang naunat ang wiyang lamang. Dito naman napasalita si Donya Maria at sinalaysay bawat isang pinagdaanan nila laban day Haring Salermo. Naguluhan na ang hari kaya tinawag ang Arsobispo upang siya nalang mag desisyon. Ayon sa kanya ay si Leonora pa rin ang lamang dahil siya ang nauna, at dito nagalit si Maria. Ibinihas niya ang tubig sa prasko at bumaha sa buong kaharian. Nakiusap agad si Don Juan kay Maria, nilambing at sinabi sa lahat na naminin na raw niya si Maria talaga ang mahal niya at dito niya gusto pakasal. Sinabi rin niyang si Leonora ay kay Don Pedro nalang ikasal sa kadahilanagng gusto talaga ito ng kapatidniya at dahil tungkulin rin nila ang kaligtasan ng kaharian kahit iba ito sa utos ng magulang. Ibinalik ni Don Juan ang sing sing kay Leonora.

Tayutay– Saknong1656-O, pagsinta na ang lakas, kalabanin ay kayhirap, pag ikaw na ang bumihag, hahamakni na ang lahat

Ito ay isang panawagan dahil kinakausap ni Maria ang pag-ibig. Sa pamagitan ng panawagan, pinapahayag ni Maria ang lakas at epekto ng pag-ibig na kapag umiibig na ang isang tao may lahat kayang labanan para sa pag-ibig.

Ibong Adarna asks

1. Ano ang ginawa ni Maria na biglang nagpabalik ng alaala ni Don Juan?

2. Ano ang ginawa ng hari nang siya na ay naguluhan sa pagdedesisyon?

3. Paano naayos ang gulo at ano ang pinakahuling naging desisyon?

Kabanat 29-Masaya ang buhay

Pinayagan na ng hari at arsobispo na ikasal si Don Juan at Maria habang si Leonora naman ay ikakasal kay Don Pedro na may gusto sa kanya nang tunay. Si Leonora ay napatahimik sa lamang . Si Don Juan na sana ang napili ng hari para maging susunod na hari ng Berbanya, ngunit sinabi ni Maria na si Don Juan ay magiging hari na rin ng reyno De Los Cristal, kaya si Don Pedro ang naging hari ng Berbanya. Umalis na si Donya Maria at Don Juan patungong Cristales at nadatnang mapayapa at walang namumung dahil patay na ang ama at mga kapatid. Pinakawaln ni Maria ang lahat ng engkanto ni Salermo, tula ng mga naging bato at mayroon ding mga naging tigre at leon. Natuwa ang mga tao sa reyno at nagkaroon ng pista para sa bagong hari at reyna pagkatapos paglamayan sandali ni Maria ang nawalang pamilya. Hinangan ang dalawa at naging mapayapa ang reyno. Nang namatay si Don Juan at Donya Maria, ginawa silang idolo at magandang halimbawa ng mga tao.

* Yan ang pagkakatapos ng kuwento*

Tayutay– Saknong 1691- Matapos ang kasayahan, si Donya Maria’t Don Juan, nagbalik sa kahariang, pugad nila ng suyuan

Ito ay isang pagwawangis kasi tinutulad ang kaharian sa pugad ng suyuan. Sa saknong nito, nagbalik si Donya Maria at Don Juan sa Reyno De Los Cristal na tinawag na “pugad ng suyuan nila dahil doon nagsimula at napatibay ang romansa at pagmamahalan nila.

Ibong Adarna asks

1. Sino ang naging hari at reyna ng Berbanya?

2. Ano ang kalagayan ng Reyno De Los Cristal pagdating ni Don Juan at maria?

3. Ano ang ginawa sa mga naengkantong tao ni Haring Salermo?

Don Juan asks

1. Ano kaya ang nangyari kay Ibong Adarna sa tapos ng kuwento? Importante pa ba siya?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: