Buod ng kabanata 6-10

Kabanata 6-Gantimpala ng Kabutihan Loob


May nakitang matandang leproso si Don Juan at tinulungan niya ito. Binigyan niya ito ng tinapay. Natuwa ang matanda kay Don Juan. Gustong makabayad ng leproso si Don Juan kaya sinabi ni Don Juan na hinahanap niya ang Adarna. Sinabi ni Don Juan na nawawala ang dalawa niyang kapatid ng tatlong taon. Sinabi ng Leproso na dapat siya ay mag-ingat dahil mahirap hulihin ang Adarna. Sinabi niya na pumunta siya sa isang bahay sa baba ng Piedras Platas. Binigyan ng tinapay si Don Juan pero tinanggi na walang kapalit. Nakita ni Don Juan ang Ermitanyo. Tinulungan ng Ermitanyo si Don Juan at binigyan siya ng labaha at ng Dayap.

Tayutay-Saknong 163- Tinulinan ang paglakad, parang ibong lumilipad kaya’t ang malayong agwat, narating din niya agad

Ito ay isang pagtutulad kasi inihahambing niya ang paglalakad niya sa ibong lumilipad. Sa saknong ito, pakiramdam niya na habang lumalakad ay parang ibon. Yun ang dahil kung bakit nakarating siya agad sa pinapuntahan niya.

Ibong Adarna asks

1.  Bakit siyang binigyan ng labaha at dayap? Bakit itong kailangan?

2. Bakit ibinalik lang ng leproso ang pagkain kay Don Juan? Ano kaya ang dahilan?

3. Bakit mahirap hulihin ang Ibong Adarna?

Kabanata 7- Ang Karapat-dapat

Naghintay si Don Juan sa bundok Tabor at dumating na ang Adarna. nagsimulang kumanta ang Adarna at agad na sinugat ni Don Juan ang sarili niya. Pagkatapos kumanta ay tumae ang Adarna at agad na nakaiwas si Don Juan. Binuhusan din ng tubig ni Don Juan si Don Pedro at Don Diego at naging tao muli sila. NIlagay ni Don Juan ang Adarna sa isang hawla.

Tayutay-Saknong 203-Ginamit na unang gayak, sa prinsipe’y nakabihag, kung malasi’y sadyang perlas, nagniningning sa liwanag.

Ito ay pagwawangis kasi hinahambing ang perlas sa malasi. Sa saknong nito, nakakita na ni Don Juan ang bahay ng Ibong Adarna. Parang perlas ito na malasi. (Naniningning sa liwanag ang perlas nito)

Ibong Adarna asks

1.Paano bumalik ang anyo ni Pedro at Diego?

2. Ano ang sikreto ni Don Juan para hindi siya makatulog sa awit ko?

3. Paano ako tinali ni Don Juan?

Kabanata 8-Bunga ng Masamang gawa


Habang sila ay pauwi, naisipang taksilan ni Don Pedro si Don Juan. Sinabi niya ang masama niyang balak kay Don Diego. Nagulat si Don Diego sa sinabi ni Don Pedro dahil hindi niya aakalain na kaya niyang patayin ang sarli niyang kapatid. Sinabi sa kanya ni Don Pedro na bugbugin na lang nila si Don Juan at dito ay pumayag si Don Diego. Bumalik ang dalawang magkakapatid sa palasyo at gumaan ang pakiramdam ni Haring Fernando. Tinanong ng hari kung nasaan si Don Juan pero sinago nila ay hindi nila alam. Nawala ang katuwaan ng hari dahil dito. Ang Adarna ay pumangit at ayaw na din kumanta. Nagduda ang hari kung iyon ba ang totoong Adarna. Umaasa na lang ang hari kung babalik pa si Don Juan

Tayutay-Saknong 243-Datapwat sa dahilang, ang tao’y may kahinaan, ayaw man sa kasamaa’y, nalihis sa kabutihan

Ito ay isang aporismo kasi may sinasabing aral ito. Ang aral dito  na kapag mahina ka lalayo ka sa mabuting gawain.

Ibong Adarna asks

1. Bakit kaya binabalak ni Don Pedro na gumawa ng masama kay Juan? Kala ko magkakapatid sila?

2. Ano’t nangyari sa akin?

3.Bakit pa mas lumubha ang karamdaman ni Don Fernando?

Kabanata 9- Sagot sa Taimtim na Dasal

Si Don Juan ay hirap na hirap na gumagapang sa damo. Nawalan siya nang pag-asa at nagdasal siya sa diyos. Nagdasal siya na gumaling ang kanyang ama at sana magkita ulit sila. Nagdasal din siya na patawarin ang kanyang kapatid. Nakita siya ng isang matanda at nilapitan siya nito. Ginamot ng matanda ang mga sugat ni Don Juan. Bumalik ang dating lakas ni Don Juan. tinanong ni Don Juan na paano niya babayaan ang ginawa ng matanda. Sinagot ng matanda ay pabalik na sa kabundukan at si Don Juan ay pabalik sa Berbanya.

Tayutay-Saknong 296- Lahat dito’y pasaliwa, walang hindi balintuna, ang mabuti ay masama’t, ang masama ay dakila

Ito ay isang kabalintunaan kasi ang masama ay naging mabuti. Sinabi ng saknong nito na ang masama ay ang tamang gawin at lahat ay baligtarin.

Ibong Adarna asks

1. Paano sinagot ng diyos ang dasal ni Don Juan?

2. Paano bumalik ang dating lakas ni Don Juan?

3. Sa tingin ninyo, bakit pinapatawad ni Don Juan ang kanyang dalawang kapatid? Diba nataksilan siya sa dalawang iyon

Kabanata 10-Ang Katotohanan ay lalabas

Nang nakabalik na si Don Juan, nakita siya ng kanyang ina at natuwa ang nanay niya. Nang hinalikan ni Don Juan ang kanyang ama, hindi siya namukaan ng ama niya dahil sa sakit. Ang balahibo ng Ibong Adarna ay gumanda at ito ay kumanta na. Sinabi ng Adarna kay Haring Fernando na tinakssilan si Don Juan ng kanyang kapatid  at gusto silang ipalayas ngunit sinabi ni Don Juan na patawarin na sila. Sinabi ng hari na huwag nilang ulit taksilan si Don Juan. Nagustuhan ng hari ang Ibong Adarna at pinabantay niya ang tatlo niyang anak sa ibon na iyon ng tigtatatlong oras bawat gabi.

Tayutay-Saknong 355-Ang Adarna ay nagbihis, nang pang-apat na kilatis, sa kislap na umaakit, ay dyamenteng pagkarikit

Ito ay pagwawangis kasi tinutulad ang adarna sa dyamenteng pagkarikit. Iniliwaran ang Adarna dito na parang siyang kumikislap.

Ibong Adarna Asks

1. Bakit inutusan ng hari ng kanyang anak na magbantay sa akin?

2. Paano gumaling ang hari?

3. Bakit kumakanta lang ako kapag nandito sa katabi si Don Juan?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: