Buod ng kabanata 11-15

Kabanata 11 – Inggit ng Sanhi


Muling inisip ni Don Pedro na gumawa ng masama sa kanyang kapatid si Don Juan. Plano niya na , kasama ni Don Diego, ipahiya si Don Juan sa harap ng kanyang ama. Isang gabi, sina Don Diego at Don Pedro ay nag-usap kung sino ang susunod na magtatanod (magbabantay) kay Ibong Adarna. Sinabi ni Don Pedro na si Don Juan ang susunod na magtatanod. Sa ikasampu ng gabi, ginising nila si Don Juan kahit na hindi yung oras niya magtanod kay Ibong Adarna. Habang nagbabantay, nakatulog si Don Juan. Nang tulog na si Don Juan, binuksan ni Pedro at Diego ang hawla ng Ibong Adarna at pinakawalan ang ibon. Nang guimising si Don Juan, nakita niya na wala yung ibon sa hawla at sa takot, agad siyang umalis sa palasyo. Pagkatapos, nalaman ng amang hari na wala yung Ibong Adarna at tinanong niya sa dalawang niyang anak kung sino ay may kasalanan. Sinabi nila si Don Juan. Inutusan niya na hanapin si Don Juan. Naghanap at naghanap si Pedro at Diego hanggang sa umabot nila sa Bundok ng Armenya.

Tayutay sa kabanata 11- Saknong 430- Nang magising yaong Hari, araw’y masaya ang ngiti, pagbangon ay dali-daling, ibon ang kinaurali

Ito ay pagsasatao kasi ang araw ay masiglang sumisikat at nagpapahiwatig ng kagalakan sa kanyang ngatatamong bagong umaga. Ang araw ay parang ngumingiti sa kanya. Isipin mo paano kaya ngumiti ang araw?

Ibong Adarna asks

1. Bakit kaya na inggit muli si Don Pedro kay Don Juan?

2.Dapat pa ba isundin ni Don Diego kay Don Pedro eh alam niya na mali ang ginagawa ng kanyang kapatid?

3. Sa inyong palagay, saan ako pumunta pagkatapos akong pinakwalan sa hawla?

Kabanata 12-Di Husto ang Tangan



Nang doon sa Armenya, nakita nila ang ganda nito. Maraming din silang nakitang ibon tulad ng maya at pugo’t kalaw. Sobrang tahimik at mapayapa ang Armenyang bundukan. Dito, pagkatapos niyang umalis sa Berbanya, ang tirahan ni Don Juan. Habang Doon, nahanap ddin nina Diego at Pedro si Juan. Kinausap nila si Don Juan at sabi nila na sasama na lang sila magtitira sa Armenya. Pumayag si Don Juan. Araw-araw, maraming lika gumagawa tulad ng panghuhuli at panginigisda. Tuwing linggo, magkakaroon sila ng salu-salo. Masaya sila doon.

Tayutay- Saknong 450- Munting bagay na makita, isang buhay at pagsinta, iyong kunin at wala kang, maririnig na pagmura

Ito ay aporismo kasi sinasabing aral dito. Ang aral dito ay kunin ang maliliit na bagay sa buhay dahil may isang buhay ka lang sa itong mundo. Kapag kinunin mo to hindi kang magagawang mura o kaya’y nabawasan o nawalan ka ng halaga bilang tao.

Ibong Adarna asks

1. Bakit ba biglang tinanong ni Don Pedro na sasama si Don Juan sa Armenya? Kala ko ba inggit si Don Pedro sa kanya.

2. Ito ba kaya ang bahagi ng plano ni Don Pedro?

3. Sa lahat ng lugar na puwedeng puntahan, bakit kaya sa Armenya nakatira si Don Juan?

Kabanata 13- Tagumpay at Tatag ng loob

Habang naglalakad silang tatlo sa Armenya, may nakitang silang balon na sobrang dilim at sobrang lalim. Kahit na balon ito, walang makikitang tubig sa ilalim.Gusto ni Pedro, Diego at Juan na pasukin ang balon. Nauna si Don Pedro dahil sabi niya ang panganay ang mauuna. Hindi nagtagal at agad siyang lumabas sa balon dahil sa kadiliman nito. Sumunod si Don Diego. Kagaya ni Don Pedro, natakot siya at lumabas ng balon. Ang huli na bumaba si Don Juan. Bumaba si Don Juan na may tiwala sa sarili. Naghintay-hintay at naiinip sina Pedro at Diego habang pababa nang pababa si Don Juan. Sa wakas, nakaabot si Juan sa ilalim ng balon at doon niyang nakita ang isang palasyong ginto at pilak.

Tayutay-Saknong 506,507- Sa sarili’y nawiwikang: “Ano’t akin pang ninanasa, na tuklasin ang hiwaga, kung hindi rin magagawa?


Ito ay aporismo(aral sa buhay) kasi sinasabi nito na “paano natin tuklasin ang gatimpala sa buhay kapag hindi tayo maghihirap”.

Ibong Adarna asks

1. Bakit kaya siDon Pedro ay laging nauuna? Hindi naman niya kasingtapang ni Don Juan.

2. Anong klaseng palasyo ay nakita ni Don Juan sa balon?

3.Anong oras silang naglalakad? (makikita mo to sa saknong 479)

Kabanata 14- Walang Dambuhalang Kalaban

Nang doon na sa palasyo, may nakita siyang isang magandang babae. Ang pangalan niya ay si Donya Juana. Siya ay isang princesa na pinuri at sinamba ni Don Juan sa kagandahan nito.  Sinabi ni Donya Juana na huwag siyang iwanan doon dahil may isang higante ay nagbabantay sa kanya. Walang takot ay naramdaman ni Don Juan. Nang dumalo ang higante, inaglahiniya si Donya Juana. Dahil sa ginawa ng higante, nagalit si Don Juan at gusto niyang makipaglaban sa higante sa isang pagtutuos. Nanalo si Don Juan kasama ng tulong sa diyos. Nang tapos na ang laban, sinabi ni Donya Juana na may isa pang kapatid na kailangan ng tulong. Ang pangalan niya ay Donya Leonora. Binabantayan siya ng pitong ulo serpentye. Hiniling ni Donya Juana na iligtas ang kanyang kapatid.  Umayon si Don Juan.

Tayutay-Saknong 513- Lalo siyang nanggilalas, at ang puso ay nabihag, nang tamaan na ng malas, si Donya Juanang marilag.

Ito ay pagmamalabis kasi imposible na bihagin ang puso mula sa katawan. Sa saknong ito, nakita na ni Don Juan si Donya Juana. Sa sobrang ganda nito, parang kinupkop ang puso ni Don Juan kay Donya Juana.

Ibong Adarna asks

1.Paano nanalo si Don Juan?

2. Minamahal ba ni Don Juan si Donya Juana?

3. Sino tumulong kay Don Juan sa laban niya kay  higante?

Kabanata 15- Kahit Pito Ulo ng Serpentye


Pagkatapos ang laban niya, lumakad siya patungo kay Leonora. Nang doon na, nakita niya ang sorbang ganda ng palasyo at ni Leonora. Tumitingan lang siya doon hangang nagtaka si Leonora at tinanong ano ginagawa niya dito. Humingi ng tawad si Don Juan. Nang dumalo ang pitong ulo serpentye, lumaban silang dalawa.  Binigyan ni Leonora ang balsamo kay Don Juan para matapos ang labanan. Binuhusan ng balsamo sa ulo ng serpentye para hindi tutubo muli ang ulo. Sa wakas, natalo ang serpentye. Nang patay na ang serpyente, tinanong ni Don Juan kung mamahalin siya ni Leonora. Nagtaka muna pero pumayag si Leonora na mamahalin si Don Juan. Umalis silang dalawa agad sa palasyo.

Tayutay-Saknong 573- Sa gitna ng mga perlas, tala manding namanaag, si Leonorang pagkarilag, ang prinsipe’y napakurap

Ito ay isang pagwawangis dahil kinukumpara ang tala at si Leonora. Sa saknong nito, nakita ni Don Juan si Leonora at kinumpara si Leonora sa tala dahil sa kanyang pagkarilag. (kagandahan)

Ibong Adarna asks

1. Sino ang tunay na minamahal ni Don Juan? Leonora o Donya Juana?

2.Paano tinalo ni Don Juan ang pitong ulo serpyente?

3.Paano binastos ni Don Juan si Leonora?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: